(Photo Courtesy: Aksyon Libmanan FB)
Tuluyan nang sinuspinde ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang pari sa kanyang tungkulin bilang kleriko pagkatapos mag-file ng certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Camarines Sur sa 2022 elections.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News website, sinabi ni Camarines Sur Bishop Jose Rojas na nilabag ni Fr. Granwell Pitapit ang Canon Law na nagsasaad na hindi maaring lumahok sa pulitika ang mga pari.
Sa ilalim ng Canon Law 285, ang mga kleriko ay pinagbabawalang kumuha ng pampublikong katungkulan “na nagkaloob ng pakikilahok sa paggamit ng kapangyarihang sibil.”
“Such suspension is deemed irreversible, thus preventing him permanently from returning to the priestly ministry,” nakasaad sa circular ni Rojas noong October 22, at inilabas naman sa media noong Martes, October 26.
Sinabi ng Obispo na hindi na maaring makalahok si Pitapit sa mga programa ng diocese dahil sa kanyang suspensyon.
Ayon pa kay Bishop Rojas, ipinag-uutos pa rin kay Pitapit na sundin ang kanyang mga panata bilang pari tulad ng hindi pag-aasawa.
“Such vows, therefore, continue to bind him and can only be completely suppressed through the process of laicization,” ayon sa Obispo.
“Nonetheless, Fr. Pitapit is now free, without incurring further canonical censure, to engage in secular undertakings that do not violate his priestly vows,” dagdag pa ng Obispo.
Matatandaang una nang sinabi ni Fr. Granwell “Dawe” Pitapit na ang kanyang pagtakabo ay itinuturing niyang “Calling from God”.
Tatakbo bilang Mayor si Fr. Pitapit sa pinakamalaking bayan ng Camarines Sur– ang Libmanan.
Naghain siya ng kanyang COC noong October 8, sa ilalim ng partidong Aksyon Libmanan.
Si Fr. Pitapit ay 20 taon nagserbisyo bilang pari.
(Jocelyn Domenden)
The post Paring kakandidato sa pagka-mayor sa Camarines Sur, sinuspinde ng CBCP appeared first on News Patrol.
Paring kakandidato sa pagka-mayor sa Camarines Sur, sinuspinde ng CBCP
Source: Trending Filipino News
0 Comments