DENR official, tinanggal sa puwesto dahil sa pagdumog ng tao sa Manila Bay dolomite beach

Tinanggal sa pwesto si Jacob Meimban, Jr. bilang Manila Bay Task Force ground commander matapos ang insidente ng pagdagsa ng publiko sa Manila Bay dolomite beach nitong nagdaang mga araw.

Ipinag-utos ito mismo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

“Being the commander, he takes full responsibility for what happened. While appreciating the gesture of that, kailangan imbestigahan pa din naman,” ayon kay Cimatu sa press briefing.

Naging popular na destinasyon ang Manila Bay dolomite beach para sa mga sabik na residenteng gustong makalabas ng bahay matapos ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Sa kabila nito, kinilala naman ni Cimatu si Meimban dahil sa aksyon nito upang maiwasan ang posibleng trahedya sa footbridge sa labas ng dolomite beach nang dumugin ito ng mga tao.

Gayumpaman, kailangan pa ring magsagawa ng imbestigasyon, ayon kay Cimatu.

Nagpalabas ng bagong kautusan ang Manila Bay Coordinating Coordinating Office na limitahan na ang papasok sa pasyalan.

Isasara na rin ito tuwing Biyernes para sa maintenance ng lugar.

(Toni Tambong)

The post DENR official, tinanggal sa puwesto dahil sa pagdumog ng tao sa Manila Bay dolomite beach appeared first on News Patrol.



DENR official, tinanggal sa puwesto dahil sa pagdumog ng tao sa Manila Bay dolomite beach
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments