(Photo Courtesy: Pasig PIO; Unang araw ng pagbabakuna sa mga menor de edad, 12-17 sa Pasig City)
Magsisimula na ang nationwide COVID-19 vaccination para sa lahat ng menor de edad na 12-17 years old sa darating na Miyerkules, November 3.
Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa interview ng CNN Philippines ngayong Miyerkules, October 27.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 12.7 milyong 12-17 anyos ngayong 2021.
Kahapon, Martes, October 26, nasa 18,666 na menor de edad na may comorbidities ang nakatanggap ng unang dose sa pagsisimula ng pediatric o adolescent vaccination sa National Capital Region (NCR).
Samantala, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ilalabas din nila agad ang mga patakaran sa nationwide pediatric vaccination.
“Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized. Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children during the nationwide rollout,” ayon pa kay Vergeire.
Patuloy naman ang DOH sa paghikayat sa mga adult population lalo na ang mga kabilang sa priority groups A2 at A3, na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang makamit ang ‘cocoon effect’ na magpoprotekta sa mga kabataan sa loob ng bahay.
Sa kasalukuyan ay nasa second phase na ng COVID-19 vaccination program para sa minors edad 12-17 with comorbidities sa Metro Manila, pagkatapos itong simulan noong October 15.
Binigyang diin din ng ahensya na ang pagpapabakuna ay hindi lamang para protektahan ang sarili kundi maging ang mga tao sa paligid.
Ito ay kaakibat din ng pagsunod sa minimum public health standards at iba pang ipinatutupad na preventive measures.
(Jocelyn Domenden)
The post Nationwide vaccine roll out sa mga edad 12-17, magsisimula na sa November 3 appeared first on News Patrol.
Nationwide vaccine roll out sa mga edad 12-17, magsisimula na sa November 3
Source: Trending Filipino News
0 Comments