Pinakamababang Covid-19 cases sa nakalipas na limang buwan, naitala ngayong araw, October 27

Naitala ngayong araw ang pinakamababang kaso ng Covid-19 sa nakalipas na limang buwan, 3,218.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 2,768,849 ang kabuuang kaso ng nagkasakit dahil sa virus.

Mayroon namang naitalang 6,660 na gumaling at 271 na pumanaw ngayon.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (50,152) ang aktibong kaso ngayong araw na siya ring pinakamababa simula noong July 21.

Nasa 96.7% (2,676,349) na ang gumaling, at 1.53% (42,348) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 25, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Bagama’t bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, hindi pa rin dapat maging makampante ang publiko.

Paalala ng DOH, ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at agad na magpabakuna.

 

The post Pinakamababang Covid-19 cases sa nakalipas na limang buwan, naitala ngayong araw, October 27 appeared first on News Patrol.



Pinakamababang Covid-19 cases sa nakalipas na limang buwan, naitala ngayong araw, October 27
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments