Ikinukonsidera ng kampo ni Presidentiable Bongbong Marcos na maging vice-presidential running mate si Senador Manny Pacquiao.
Ito umano ay kung handa si Pacquiao na bumaba sa pagka-vice president, ayon kay senator Imee Marcos, kapatid ni Bongbong Marcos.
Naging isa ito sa opsyon ng kampo ni Marcos dahil maganda anila kung sina Pacquiao at Marcos ang magta-tandem dahil taga-Mindanao si Pacquaio at popular doon.
Ayon pa kay Senador Marcos, humahanap talaga sila ng makaka-tandem ni Bongbong na ang balwarte ay sa Visayas at Mindanao dahil sa malakas naman aniya si Bongbong sa sinasabing “solid north” at malakas din siya sa national capital region.
“So naturally we’re tending towards the Mindanao and VisMin candidates,” dagdag pa ni Imee Marcos.
Maganda umano kung ang makakatambal ni Bongbong mula sa Mindanao. Hinahanap din umano ni Bongbong na makatambal ay ang makakasundo niya sa trabaho, may tiwala siya at yung magkakaintindihan silang dalawa.
Samantala, sinabi naman ni Pacquiao na siya ay natutuwa dahil sa ilang kampo na humihimok sa kanya na maging katambal sa darating na eleksyon.
“While I’m flattered of various camps seeking me to be their VP, it requires the Presidency para magawa ang mga pangako ko sa mga mahihirap at sa mga nagsisikap na mula sa hirap. Ilang taon na ako sa public service both sa local at national levels. Nakita ko firsthand ang mga problema ng bansa kahit naging kaibigan natin ang mga Presidente, vice president at local officials ay malaki ang agwat ng mayaman at mga mahihirap dahil sa mga policy na ipinapatupad,” ayon pa kay Pacquiao.
Sa kabila ng paghimok kay Pacquiao, matibay naman ang paninindigan niya na hindi siya bababa para maging vice-president.
“Although I am touched and extremely honored. Tuloy and laban natin sa pagka-Pangulo. Para sa pagbabago at para sugpuin ang corruption na lumalala sa bansa. I will not fail the people. Our time is now para ipanalo naman ang mga Mahihirap!, ” ayon pa kay Pacquiao.
(Estrella Bueno)
The post Manny Pacquiao, ikinukonsiderang maging running mate ni BongBong Marcos appeared first on News Patrol.
Manny Pacquiao, ikinukonsiderang maging running mate ni BongBong Marcos
Source: Trending Filipino News
0 Comments