Pope Francis, pinayuhan si US Pres. Biden na laging mangumunyon

(Photo credit: Vatican Media)

Bago dumalo sa meeting ng mga head of state na miyembro ng Group of 20 o G20 sa Roma, bumisita muna sa Vatican City si US President Joe Biden para sa audience kay Pope Francis.

Ayon sa report, mahigit isang oras tumagal ang meeting nina Pope at Biden, mas matagal pa sa meeting ng Santo Papa sa mga dating US president na sina Obama at Trump.

Si Biden ay ang ikalawang katolikong US president. Ang una ay ang yumaong si John F. Kennedy.

Ilan sa mga napag-usapan nina Pope Francis at Biden ay ang tungkol sa kapwa nila commitment sa pangangalaga at proteksyon ng kalikasan, ang estado ng kalusugan at ang patuloy na paglaban sa COVID-19 pandemic.

Tinalakay din nila ang issue ng mga refugee at kung paano sila ganap na matutulungan, pati na rin ang isyu ng human rights.

Nagkaroon din sila ng pagkakataong pag-usapan ang pagpapalaganap at pagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo na isa sa mga inaasahang paksa sa G20 summit.

Samantala, ayon naman kay Biden, masaya ang Santo Papa sa kanyang pagiging mabuting katoliko at pinayuhan na laging mangumunyon.

“We just talked about the fact he was happy I was a good Catholic and keep receiving Communion,”  sabi ni Biden sa panayam ng America Magazine.

Kontrobersyal ang isyu ng komunyon para sa American president dahil sa pagsuporta nito sa abortion.

Ilang obispo sa US ang naniniwalang dahil sa posisyong iyon ni Biden dapat ay pagbawalan siyang mangomunyon.

Ang pagtanggap ng komunyon o eukaristiya ay sentro ng paniniwala ng mga katoliko dahil ang kanilang tinatanggap ay mismong ang banal na katawan at dugo ni Kristo.

(NP)

The post Pope Francis, pinayuhan si US Pres. Biden na laging mangumunyon appeared first on News Patrol.



Pope Francis, pinayuhan si US Pres. Biden na laging mangumunyon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments