Alamin, mga holiday sa 2022

Inanunsyo na ng Malakanyang ang regular holidays at special working days para sa 2022 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1236 na nilagdaan ngayon ni Pangulong Duterte.

Ang All Soul’s Day (Nov. 2), Christmas Eve (Dec. 24), and New Year’s Eve (Dec. 31) ay nananatiling “special working days” sa 2022.

Ito ay para matulungan makabangon ang ekonomiya mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Isang paraan din ito para maiangat ang economic productivity at bawasan ang gambala sa trabaho at gunitain ang ilang special holidays bilang special working days.

Ang pagkakaiba ng special working holiday at special non-working holiday ay ang halaga ng sahod na matatanggap ng isang empleyado kung siya ay magtatrabaho sa nasabing araw.

Base sa holiday pay rules na inilabas ng Department of Labor and Employmemt (DOLE), kapag ang empleyado ay pumasok sa araw na special non-working holiday, ang “no work, no pay” principle ay ipatutupad.

Ang empleyado ay babayaran ng karagdagang 30 porsyento ng kanyang basic wage sa unang walong oras ng pagtatrabaho.

Basic rate naman ang matatanggap ng isang empleyado kapag siya ay pumasok sa araw na special working holidays.

Walang premium pay na matatanggap dahil ikinokonsiderang ang pagtatrabaho ay ordinary working days.

 

 

(NP)

The post Alamin, mga holiday sa 2022 appeared first on News Patrol.



Alamin, mga holiday sa 2022
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments