Pilipinas, low risk na sa Covid-19, ayon sa DOH; 4,405 bagong kaso naman, naitala ngayon

Pagkatapos ng Delta surge at ang mataas na kaso ng Covid-19 nboong mga nakaraang buwan, maituturing nang low-risk sa Covid-19 ang Pilipinas, ayon sa Department of Health. ngayong Lunes, October 25.

“Nationally, we are at low-risk case classification with a negative two-week growth rate at -48%, and a moderate-risk average daily attack rate at 5.89 cases per every 100,000 individuals,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

Sinabi pa ni Vergeire na maging ang healthcare utilization ay nasa moderate risk na rin ngayon.

Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang Department of Health ng 4,405 na bagong kaso ng COVID-19.

Kaya naman mayroon nang 2,761,307 Covid-19 cases ang Pilipinas.

Ang bilang ng nagkasakit ngayong araw ay ang pinakamababa sa loob ng limang araw o mula noong October 20 kung saan may naitalang 3,656 na nagkasakit.

Mayroon namang naitalang 7,561 na gumaling at 149 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.1% (57,763) ang aktibong kaso, 96.4% (2,661,602) na ang gumaling, at 1.52% (41,942) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 23, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Sa kabila mababang kaso  at paglalagay sa bansa sa low risk classification, nagpaalala pa rin si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag maging kampante ang publiko.

“Hindi pa ho tapos ang laban. Hindi ho tayo puwede maging kampante,” ayon kay Usec. Vergeire.

The post Pilipinas, low risk na sa Covid-19, ayon sa DOH; 4,405 bagong kaso naman, naitala ngayon appeared first on News Patrol.



Pilipinas, low risk na sa Covid-19, ayon sa DOH; 4,405 bagong kaso naman, naitala ngayon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments