Maglalabas ng travel guidelines ang Baguio City para sa fully vaccinated tourists na papasok sa syudad.
Ito ay kasabay ng pagbubukas ng syudad sa mga turista ngayong October 25, pagkatapos na mapapababa at makontrol ang mga kaso ng Delta variant sa lungsod.
Inanunsyo ni Mayor Benjamin Magalong ang pagtanggap sa travel applications mula sa fully vaccinated individuals sa pamamagitan ng isang Executive order.
“Hopefully our reopening will spur economic activity in our city which had almost been nil for the past two months because of the restrictions that we imposed to manage the cases,” ayon pa kay Mayor Magalong.
Naging matagumpay ang syudad na mapababa ang kaso ng Covid-19.
Bagamat magbubukas sa turista, ang Baguio ay magiging maingat pa rin at magpapatupad ng mahigpit na health protocols.
Patuloy na ipatutupad ng syudad ang requirements na gaya ng full vaccination at approved registration sa kanilang online platform na visita.baguio.gov.ph bago 0p payagang makapasok sa Baguio City.
Sinabi pa ni Mayor Magalong na ang mga bisitang edad 12 hanggang 17 na sasama sa mga nakatatanda ay kailangang magkaroon ng negative test result (antigen o RT-PCR). Samantalang ang 11 years old pababa naman ay kailangan din ng negative test result at mayroong consent ng mga magulang.
Patuloy rin ang pag-monitor sa mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), gaya ng tamang pagsusuot ng face mask at faceshield, social distancing at paghuhugas ng kamay at pagsa-sanitize sa para sa mga turista at establishment.
“It has not been easy but as we have been doing since the pandemic started, we will continue toq strike a balance between managing our cases and giving premium to the health and safety of our constituents on the one hand and keeping our economy afloat and sustaining the people’s livelihood on the other,” sabi pa ni Magalong.
Sinabi rin ni Magalong na kinikilala ng syudad ang pagsisikap ng mga health worker at inaala ang kanilang kalagayan.
“They needed respite from the recent surge that is why we make sure that we did not reopen too early and made sure that the decrease in cases is sustained para makapagpahinga naman ang mga health workers natin,” giit pa ni Mayor.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa alkalde, ay bumababa na ang kaso ng Covid-19 sa lungsod, pero ang moderate at severe cases ay nananatili namang mataas.
Inaasahan naman na bababa ito sa darating na linggo.
Ang Hospital care, isolation facility at oxygen utilization rates ay bumababa na rin, ayon pa sa alkalde.
“Hopefully, our situation in so far as the Delta variant is concerned will continue to stabilize in the coming months barring the possibility of a saddle,” sabi pa ni Magalong.
Ang “saddling” ay ang pagbaba ng kaso, saka magpa-plateau, bago biglang tataas muli ang bilang ng nagkasakit.
“We hope it won’t happen to us with the restrictions that we will adopt for tourists and the high vaccination rate we have so far accomplished,” dagdag pa ni Mayor.
(NP)
The post Baguio City, tumanggap na ulit ng mga turista; istriktong health protocols ipatutupad pa rin appeared first on News Patrol.
Baguio City, tumanggap na ulit ng mga turista; istriktong health protocols ipatutupad pa rin
Source: Trending Filipino News
0 Comments