(Photo: Christian Heramis)
Karagdagang singil ulit sa presyo ng produktong petrolyo ang ipatutupad bukas, Martes, October 26, ng mga oil companies sa bansa.
May dagdag-singil na P0.45 kada litro sa presyo ng diesel, nasa P1.55 kada litro naman sa gasolina at P0.55 kada litro sa kerosene.
Epektibo mamayang 12:01 ng hating gabi sa kumpanyang Caltex ang karagdagang presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Ipatutupad naman ng mga kumpanyang PTT Philippines, Seaoil, Pilipinas Shell, PetroGazz, Petron, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, Total Philippines at Unioil ang dagdag-singil bukas ng 6:00 ng umaga. .
Magpapatupad naman ang Cleanfuel bandang 4:01 ng hapon.
Ito na ang ikasiyam na linggong sunud-sunod na magtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis.
Mula Aug. 31 hanggang Oct. 26 ay aabot na ang dagdag-singil sa mga sumusunod na produktong petrolyo: diesel – P9.01/litro; gasoline- P8.35/litro; kerosene – P8.60/litro.

Tumataas ang presyo ng langis dahil sa kakulangan sa supply.
Base naman sa datos ng Department of Energy (DoE) na mula Enrero hanggang ngayon ay may net increase sa mga sumusunod produktong petrolyo: diesel – P18.00/litro; gasoline – 19.65/litro; kerosene – P15.49/litro.
Samantala, ngayong araw, Lunes, Oct. 25, ikinasa ang protesta ng Anakpawis at iba pang progresibong grupo sa pamamagitan ng pagbibisikleta mula Road-10 hanggang sa Mendiola sa Maynila.

(Photo: Mores Heramis)
Ito ay para ipanawagan ang pagbabasura ng oil deregulation law.
Ayon sa kanila pahirap sa taong bayan ang nasabing batas dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa kabila ng pandemya.
(with report from Mores Heramis)
The post May dagdag-singil na naman sa presyo ng produktong petrolyo bukas, Oct. 26 appeared first on News Patrol.
May dagdag-singil na naman sa presyo ng produktong petrolyo bukas, Oct. 26
Source: Trending Filipino News
0 Comments