Pilipinas, bumagsak ang ranggo sa World Justice Project Rule of Law Index

Gagawin lahat ng pamahalaan ang makakaya nito para mapanatili ang pagpapatupad ng batas sa Pilipinas ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Ito’y matapos mairanggo ang Pilipinas sa 102 mula sa 139 bansa sa pinakahuling World Justice Project (WJP) Rule of Law Index.

Noong 2020 ay nasa ika-91 ranggo ang Pilipinas.

“Well, we stand by what Secretary of Justice Meynard Guevarra said that we are going to exert greater efforts to uphold and promote the rule of law in the country,” ani Roque.

“Sabi nga po ni Secretary Guevarra, from where he stands eh except for a few sensational cases eh ang crime rate naman po sa bansa ay bumaba. At bukod pa rito, ang gobyerno po ay tinutugunan ‘no iyong mga paglabag ng karapatang pantao at saka iyong mga alleged abuses sa conduct ng campaign against illegal drugs,” giit pa ng tagapagsalita ng pangulo.

Ipinaliwanag ni Roque na may limang pundasyon ang pagpapatupad ng batas sa bansa, at iginiit niya na dapat ang limang ito ay gawin ang kani-kanilang parte.

“Alam ninyo po kasi itong rule of law, limang tinatawag na pillars. At ang Ehekutibo po ay in-charge sa dalawa—ito po ‘yung pulis at saka iyong kulungan. So kinakailangan po magsama-sama ‘yung iba’t ibang mga pillars kasama na po ang lipunan dahil kabahagi po bilang pillar ng criminal justice system ang lipunan,” aniya pa.

“Pero kinakailangan ang hudikatura bilisan ang proseso at kinakailangan din na ang civil society magmatyag pa rin ‘no at talagang gamitin ang proseso para lahat noong lalabag ay maparusahan po kung kinakailangan,” dagdag pa ni Roque.

 

(Toni Tambong)

The post Pilipinas, bumagsak ang ranggo sa World Justice Project Rule of Law Index appeared first on News Patrol.



Pilipinas, bumagsak ang ranggo sa World Justice Project Rule of Law Index
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments