DOJ, inilantad na ang mga detalye ng 52 cases ng drug war deaths

(File photo)

Inilabas na ng Department of Justice ang matrix ng isinagawang review sa 52 drug war cases sa bansa kung saan napatay ang mga suspek.

Sa 20-pahinang detalye na inilabas ng DOJ, nakasaad dito na nanlaban o nagtangkang tumakas ang mga suspek sa mga pulis sa mga isinagawang buy-bust operation.

Batay din sa report, karamihan sa mga pulis na sangkot ay sinuspinde. Ang pinakamatagal na suspensyon ay 180 days habang 31 days ang pinakamaikling suspensyon.

Naglalaman ang summary ng mga kaso ng pangalan ng mga namatay na suspek, petsa at lugar ng insidente, rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service laban sa mga police respondents, at ang obserbasyon ng DOJ Review Panel.

Nagpasya ang DOJ na isapubliko ang mga nasabing impormasyon para maipaalam sa pamilya ng mga namatay na suspek na tinutukoy na ang posibleng kriminal na pananagutan ng mga pulis.

Hinikayat naman ng DOJ ang iba pang testigo na lumantad at magbigay ng salaysay sa NBI.

(Toni Tambong)

The post DOJ, inilantad na ang mga detalye ng 52 cases ng drug war deaths appeared first on News Patrol.



DOJ, inilantad na ang mga detalye ng 52 cases ng drug war deaths
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments