(Photo credit: PCG)
May alok na libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga pasahero sa EDSA busway.
Dahil sa pagbaba sa alert level 3 sa Metro Manila, mas dumami na muli ang mga pasahero at mas humaba ang pila sa EDSA busway.
Mahigit 600 pasahero ang maisasakay ng mga libreng PCG bus na nagsimulang pumasada kahapon, Oct. 19.
Ang mga bus ay may rutang MOA-PITX-Monumento at pabalik.
Mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi ang libreng sakay ng PCG na magtatapos sa Biyernes, Oct. 22.
(NP)
The post Libreng sakay sa EDSA mula sa Philippine Coast Guard appeared first on News Patrol.
Libreng sakay sa EDSA mula sa Philippine Coast Guard
Source: Trending Filipino News
0 Comments