Patuloy ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ngayong Miyerkules, October 20, nagtala ang Department of Health ang 3,656 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang pinakamababang kaso ng naitala sa isang araw sa loob ng tatlong buwan.
Huling nakapagtala ang bansa ng higit sa 3,000 cases noong July 14 kung saan mayroong 3,806 na nahawahan ngvirus noon.
Umakyat naman sa 2,735,369 ang kabuuang bilang ng nagkasakit ng dahil sa virus.
Mayroon namang naitalang 228 na gumaling at 5 na pumanaw.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 18, habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ayon pa rin sa DOH, ang mababang bilang ng recoveries at namatay ngayong araw ay dahil pa rin sa technical issues na nae-encounter ng COVIDKaya.
Asahan umano ang dagdag na recoveries at deaths na madadagdag sa mga susunod na araw. Sinisiguro naman umano ng DICT na inaayos na nila ang nasabing problema sa COVIDKaya.
“Additional recoveries and deaths shall be reflected in the case bulletin in the following days. Rest assured that the DICT (Department of Information and Communications Technology) is currently addressing these issues,” ayon sa DOH.
Bagama’t bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, hindi dapat pa rin dapat maging kampante ang publiko.
Bagkus, ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at agad na magpabakuna.
(NP)

The post 3,656 na bagong kaso ng Covid-19, pinakamababa sa loob ng tatlong buwan appeared first on News Patrol.
3,656 na bagong kaso ng Covid-19, pinakamababa sa loob ng tatlong buwan
Source: Trending Filipino News
0 Comments