2-storey commercial building sa Maynila, nasunog

(Photo: Christian Heramis)

Nasunog ang isang two-storey commercial building sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Nagsimulang sumiklab ang apoy alas-2:31 ng hapon na itinaas sa ikalawang alarma bandang alas-3 ng hapon.

Katabi ng nasunog na gusali ay ang sangay ng Metrobank Midtown sa UN Avenue at mga commercial space.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon at mapping out operation ang Bureau of Fire Protection o BFP tungkol sa sanhi at halaga ng natupok na ari-arian.

Samantala, nasugatan sa insidente si Rolando Pabalete, fire volunteer ng Paco Fire matapos na puwesahing buksan ang gate ng nasusunog na 2-storey commercial building.

Ayon pa sa BFP, bandang alas-kwatro ng hapon ng ideklarang fireout ang gusali.

 

 

(NP)

The post 2-storey commercial building sa Maynila, nasunog appeared first on News Patrol.



2-storey commercial building sa Maynila, nasunog
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments