(Photo Courtesy: PNA)
Magkakaroon ng malakihang taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) bunsod na rin ng pagtaas ng international contract price nito.
Ayon sa ulat, mayroong pagtaas sa presyo sa pandaigdigang merkado na $65 na katumbas ay P3.50 kada kilo na dagdag bawat tangke ng LPG sa bansa.
“We hope and pray na bumaba pero sinasabi namin ito para ang mga consumer, makapaghanda,” ayon kay Arnel Ty, presidente ng Regasco.
Ngayong October pa lamang ay mahigit P80 na ang itinaas sa presyo ng regular na tangke ng LPG dahil naman sa pagtaas ng contract price ng imported na cooking gas.
Ang presyo ay hindi naman nalalayo sa iba pang produktong petrolyo na nagmahal din sa unang dalawang araw ng trading sa international market, ngunit maaari pa umano itong mabago hanggang Biyernes.
Sa nakalipas lamang na dalawang buwan, P8.65 na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel, P7.20 sa kada litro ng gasolina at P8.05 sa kada litro ng kerosene.
Tiniyak naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bagamat hindi makontrol ng gobyerno ang pagmahal ng mga produktong petrolyo, hindi na aabot nang ganoon kalaki ang oil price hike sa mga susunod na buwan.
(Toni Tambong}
The post Big time LPG price hike, nagbabadya sa November appeared first on News Patrol.
Big time LPG price hike, nagbabadya sa November
Source: Trending Filipino News
0 Comments