(Photo courtesy: Philkotse)
Halos kaparehas na ang bigat ng trapiko sa EDSA ngayon katulad ng bigat ng trapiko noong mga panahong wala pang pandemya, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Sinabi ni Abalos, nasa 390,238 sasakyan ang bumabagtas na ngayon sa EDSA hanggang nitong Oktubre 7. Kaunti lang ang pagitan nito sa 405,882 sasakyan na dumadaan sa EDSA noong Hulyo 2019.
Sa harap na rin ito ng unti-unting pagluluwag ng COVID-19 quarantine restrictions sa Metro Manila.
Sa kabila nito, sinabi ni Abalos na naging mas mabilis naman ang travel speed sa Monumento papuntang Roxas Boulevard na aabot sa ngayon sa 23.43 kilometers per hour (kph) kumpara sa 11 kph dati.
Sa kabila ng mga insidenteng ito, sinabi ni Abalos na mananatili ang suspensyon ng number coding scheme sa Metro Manila.
“If we lift the coding scheme ban, you might be forced to share a ride with your fellow office workers, thus increasing your risk of infection,” aniya.
Giit niya sa huli na ‘manageable’ pa ang trapiko sa ngayon.
(Toni Tambong)
The post Bigat ng EDSA traffic, bumalik na sa pre-pandemic level appeared first on News Patrol.
Bigat ng EDSA traffic, bumalik na sa pre-pandemic level
Source: Trending Filipino News
0 Comments