(Photo Courtesy: PCOO thru PTVnews.ph)
(Photo caption: Ang exterior o kuha sa labas ng bagong rehabilitate na Grand Mosque sa Marawi City. October 16, 2021)
Ipinakita na sa publiko noong Sabado, October 16 ang ni-rehabilitate na Grand Mosque o Jameo Mindanao Al-Islamie sa Marawi City.
Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nanguna sa unveiling ng Grand Mosque na isa sa lubhang napinsala noong kasagsagan ng Marawi siege noong 2017.
Ang iconic Grand Mosque ay ang ikalimang house of Islamic worship na isinaayos ng national government gamit ang pondo mula sa pribadong sektor.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi niya na ang Grand Mosque ay may mahalagang papel sa kasaysayan at sa kultura ng mga Maranaw. Kaya ang kumpletong rehabilitasyon nito ay magbibigay ng bagong pag-asa sa mga kapatid na Muslim.
Ang rehabilitasyon ng mga mosque na nawasak noong Marawi siege ang naging prayoridad ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) dahil bilang isa sa lugar ng pagsamba ng mga Muslim, ay may mahalaga din itong papel sa social healing ng mamamayan ng Marawi.
Apat na iba pang mosque ang naisaayos na ng TFBM at nai-turn over na rin sa kanilang mga administrador.
Ang iba pang mosque na unang natapos ay ang:
Masjid Disomangcop sa Bgy. Daguduban,
Masjid Darussalam sa Bgy. Raya Madaya,
Marinaut Mosque sa Bgy. West Marinaut,
at White Mosque sa Bgy. Lumbaca Madaya.
Tiniyak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayan ng Marawi City na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapadali ang mga rehabilitation project upang maibalik sa dating ganda ang lugar.
“Let me take this opportunity to reassure the people of Marawi that the government is doing its best to expedite the completion of rehabilitation projects at the soonest possible time. We, in government, are strongly committed to bring back the city’s glory,” ayon pa kay Pangulong Duterte sa kanyang pahayag sa Rizal Park in Marawi, Lanao del Sur.
Matatandaang nasira ang ganda ng lungsod dahil sa naganap na Marawi siege noong 2017.
“To the people of Marawi and to our kababayans, rest assured that this government, this administration remains steadfast in securing our nation against terrorism, violent extremism, and other lawless elements,” dagdag pa ng Pangulo.
Nasa humigit kumulang sa 1,000 militante na kabilang sa extremist group ng Islamic state at 160 na sundalo ang napatay sa Marawi siege, ang pinakamahabang urban battle sa Pilipinas simula pa noong World War II. Ang limang buwang labanan na nagsimula noong May 23, 2017 ay naging dahilan para mawalan ng tahanan ang nasa 360,000 na residente.
Isinailalim din ni Pangulong Duterte sa Martial Law ang Mindanao sa loob ng mahigit dalawang taon.
(NP)
(Photo Courtesy: PCOO thru PTVnews.ph)

(Photo Caption: Si President Rodrigo Roa Duterte kasama si (from left) Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Task Force Bangon Marawi chairperson at Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan, Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., at Marawi City Mayor Majul Gandamra na pinangunahan ang unveiling ng marker ng Jameo Mindanao Al-Islamie (Grand Mosque) sa Marawi City noong October 16, 2021. TOTO LOZANO/ PRESIDENTIAL PHOTO)

(Photo caption: Ang interior ng bagong-rehabilitate na Grand Mosque)
The post Pangulong Duterte, pinangunahan ang “unveiling” ng Grand Mosque sa Marawi appeared first on News Patrol.
Pangulong Duterte, pinangunahan ang “unveiling” ng Grand Mosque sa Marawi
Source: Trending Filipino News
0 Comments