Mga dayuhang turista, bawal pa ring pumasok sa bansa ayon sa Bureau of Immigration

(File)

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na bawal pa ring pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista.

Hindi pa pinapayagang makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista kahit pa magmumula ang mga ito sa green list countries, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, tanging mga Pilipinong balikbayan at mga may valid na kasalukuyan at long term visas mula sa green at yellow list countries ang papayagang pumasok sa Pilipinas.

Nilinaw ito ni Morente dahil sa mga tanong na natatanggap ng BI mula sa mga foreign tourist na planong pumunta sa bansa.

Dagdag pa ni Morente, ang mga Filipino mula sa Red list countries ay makababalik lamang sa pamamagitan ng repatriation flights at Bayanihan flights na inorganisa ng gobyerno o non-government agencies.

Nitong Biyernes, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay naglabas ng updated list ng Red, Green at Yellow List counries.

Ang nasabing listahan ay epektibo simula October 16, 2021 hanggang October 31, 2021.

Natukoy na kabilang sa Red list country ang Romania habang 49 bansa ang inilagay sa Green list.

Kabilang sa Green list countries ang Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (Mainland), Comoros, Republic of the Congo, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Gibraltar, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.

Ayon naman sa IATF, ang ibang bansa na hindi natukoy ay kasama sa Yellow List countries.

Sinabi pa ng IATF, ang testing at quarantine protocols ng mga darating sa bansa na nasa  ilalim ng mga listahang ito ay dapat ipatupad at subaybayan ng Bureau of Quarantine.

“Despite these travel restrictions, we remain hopeful that international travel will be safely revived soon,” sabi pa ni Commissioner Morente ng BI.

(Jocelyn Domenden)

The post Mga dayuhang turista, bawal pa ring pumasok sa bansa ayon sa Bureau of Immigration appeared first on News Patrol.



Mga dayuhang turista, bawal pa ring pumasok sa bansa ayon sa Bureau of Immigration
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments