Nagpaalala ang isang infectious disease expert sa publiko na huwag maging kampante kahit pa bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay dahil nananatiling mataas pa rin ang utilization rate ng mga intensive care units (ICU) sa mga ospital, ayon kay Dr. Rontgene Solante sa panayam ng DZBB ngayong Linggo, October 17.
Giit ni Solante, nasa 7,000 hanggang 8,000 ang bagong kaso ng COVID-19 at hindi pa rin ito magandang numero.
“Tignan natin ang health facilities. Although, nakikita natin ang significance ng pagbaba, mataas pa rin ang ICU, nasa 75%. These are numbers that we should not be complacent,” paliwanag ni Solante.
Nanawagan rin siya sa publiko na maging maingat pa rin kahit na unti-unting nagbubukas na ang mga establisimyento ngayong nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila.
Naniniwala naman si Solante na dapat pa ring panatilihin ang mahigpit na quarantine status na ipinapatupad sa bansa.
Ipinaliwanag rin niya na ang vaccination rate at percentage ay hindi pa rin umaabot sa 40% at hindi pa rin nakakamit ang tinatawag na herd immunity o mga nabakunahan na kontra COVID-19.
“Sa vaccination rate at percentage ng nabakunahan sa Pilipinas, siguro ‘di pa tayo umabot sa 40%. Ang layo layo pa natin doon sa herd immunity kasi ‘yun naman talaga ang target natin,” dagdag pa ni Solante.
(Toni Tambong)
The post ICU utilization, nasa 75% pa rin kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa appeared first on News Patrol.
ICU utilization, nasa 75% pa rin kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa
Source: Trending Filipino News
0 Comments