Pang. Duterte, nanawagan sa PDP-Laban candidates na panatilihin ang integridad sa 2022 elections

(Photo Courtesy: Screengrab PTV FB)

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapartido sa PDP-Laban na panatilihin at protektahan ang integridad ng mga kandidato nito sa 2022 elections.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan matapos manumpa ang mga bagong miyembro ng PDP-Laban at iproklama ang mga kandidato ng partido para sa lokal na eleksyon.

Pinaalalahanan ng pangulo ang mga kapartido na sumunod sa mga ipinaglalaban at prinsipyo ng PDP-Laban.

Sinabi ito ng Pangulo kasabay ng kaniyang pangako na ikakampanya niya ang mga ito sa mga susunod na buwan.

“It is my hope that all of you will stand by the PDP-Laban’s principles and aspirations throughout the campaign period, and on election day, and beyond,” pahayag ni Duterte sa harap ng kaniyang mga bagong kapartido at local candidates sa Iligan City.

“I urge you to ensure the integrity of the elections for your respective positions, despite the challenges that you may face,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa event ang standard-bearer ng partido na sina Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Sa kabila ng kaniyang pahayag, tiwala naman umano ang pangulo na ang mga kandidato ng PDP-Laban ay nananatiling taglay ang mga magagandang kalidad ng isang pulitiko.

“I am confident that our candidates have the competence, integrity, and dedication that our people are looking for in a public servant,” aniya.

“Keep in mind that our victory will not only be ours but more importantly to the nation. As a political party, we should continue to put the welfare and progress of our country and people on top of our priorities. Our mission is and will always be to improve the quality of the life of the Filipinos,” dagdag ni Duterte.

Pinalakas niya rin ang loob ng mga kapartido na huwag mawalan ng pag-asa kahit pa sa mga gipit na sitwasyon at manatili lamang umanong matatag.

Matatandaang si senador Ronald “Bato” de la Rosa ang naging last minute na pambato ng PDP-Laban sa pagka-presidente noong mag-file ito ng Certificate of candidacy ilang oras bago magsara ang Comelec.

Si Senador Bong Go naman ang naging kapalit bilang kandidato sa pagka-bise presidente ng partido matapos na mag-anunsyo si Duterte na  magreretiro na sa pulitika.

(Toni Tambong)

The post Pang. Duterte, nanawagan sa PDP-Laban candidates na panatilihin ang integridad sa 2022 elections appeared first on News Patrol.



Pang. Duterte, nanawagan sa PDP-Laban candidates na panatilihin ang integridad sa 2022 elections
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments