Pinabulaanan mismo ng tagapagsalita ng Commission on Elections ang kumakalat na balitang diskwalipikado si Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.
Sa paglilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez ito ay isang ‘fake news’.
“VP Leni Robredo has not been disqualified. Video and articles that imply or suggest otherwise are #fakenews,” saad ni Jimenez sa kaniyang tweet.
Sa kumakalat na balita, ang dahilan umano ng pagkakadiskwalipika ni Robredo ay ang pagtanggap umano ng foreign donations na bawal sa eleksyon.
“COMELEC’s reminders on prohibited sources of funding apply to all would-be candidates. #fightfake,” dagdag pa ni Jimenez.
“Pare-pareho silang lahat na walang violation dahil hindi pa naman sila official candidates,” dagdag na pahayag pa ni Jimenez sa kaniyang sumunod na tweet.
Matatandaang October 7 nang ianunsyo ni VP Leni ang kaniyang pagtakbo bilang president sa darating na 2022 elections.
Bago pa man ihayag ni Robredo ang kaniyang kandidatura, siya ay inindorso ng koalisyon ng oposisyon na 1Sambayan, Akbayan partylist at iba pang grupo bilang presidential candidate.
(Toni Tambong)
The post COMELEC: Report ng diskwalipikasyon ni Robredo sa 2022 elections, ‘fake news’ appeared first on News Patrol.
COMELEC: Report ng diskwalipikasyon ni Robredo sa 2022 elections, ‘fake news’
Source: Trending Filipino News
0 Comments