Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN countries ang unti-unti nang pagbubukas ng travel corridors sa rehiyon.
Ang panawagan ay idinaan ng pangulo sa pulong kasama ang kanyang mga counterpart sa Brunei, Indonesia, at Malaysia sa ginaganap na 14th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Summit.
Tinukoy ni Duterte ang pangangailangan na muling buhayin ang tourism industry na sinagasaan ng pandemya.
Ang paglikha ng travel corridors ay naglalayong payagan ang mga tao na pumasok sa ilang teritoryo na hindi na kailangan pang sumailalim sa quarantine.
Iyon nga lamang, kailangan na mayroong ilang requirements gaya ng full COVID-19 vaccination.
Ayon sa Duterte, ang kahalintuald na arrangements para ligtas na muling buksan ang borders at mabawasan ang epekto ng global health crisis ay dapat ding ikunsidera.
“It is vital that we make BIMP-EAGA a major catalyst for transformative change in our region,” ayon sa pangulo.
(Toni Tambong)
The post Pang. Duterte, nanawagan sa ASEAN na muling buhayin ang turismo sa rehiyon appeared first on News Patrol.
Pang. Duterte, nanawagan sa ASEAN na muling buhayin ang turismo sa rehiyon
Source: Trending Filipino News
0 Comments