Naiturok na ang nasa 57,494,154 doses ng COVID-19 vaccines sa buong bansa buhat nang magsimula ang vaccination out noong March, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa pinakabagong datos ng National Vaccines Operation Center, 95.2 porsyento na ng healthcare workers sa bansa ang fully vaccinated.
Sa mga senior citizen, umabot naman sa 56.22 porsyento ang nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pinakamataas na bilang ng fully vaccinated sa mga sektor na ito dahil sa one-shot Janssen vaccine.
“Ang 57.4 million jabs na ito ay broken down to 31,015,216 first doses and 26,479,028 second doses,” saad ni Cabotaje.
(Toni Tambong)
The post Halos 57.5 M bakuna naiturok na; 26.4 M Pinoys kumpletong bakunado na appeared first on News Patrol.
Halos 57.5 M bakuna naiturok na; 26.4 M Pinoys kumpletong bakunado na
Source: Trending Filipino News
0 Comments