(Photo courtesy: Bangsamoro Government’s Official FB)
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin ito sa May 2025.
“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” saad sa caption ng FB page.
Dahil dito, tutugon umano ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) at isasagawa ang botohan sa rehiyon sa May 2025 midterm polls.
Ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law noong February 2019 ay naganap sa pamamagitan ng isang plebesito.
Ito ang nagbigay daan para sa paglikha ng BARMM at tuluyang lumusaw sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ang BARMM ay kinabibilangan ng mga probinsiya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.
Meron itong tatlong siyudad, ang Cotabato City, Lamitan at Marawi.
Nasa 116 ang munisipalidad kung saan kabilang rito ang Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan at Pikit sa North Cotabato at nasa 2,590 naman ang barangay.
(Toni Tambong)
The post Bangsamoro elections, sa May 2025 na idaraos appeared first on News Patrol.
Bangsamoro elections, sa May 2025 na idaraos
Source: Trending Filipino News
0 Comments