Granular lockdown areas sa NCR, 61 na lang ayon sa PNP

(File Photo)

Bumaba sa 61 mula 74 na lugar sa National Capital Region (NCR)  ang nakasailalim sa granular lockdown, ayon saPhilippine National Police (PNP), ngayon Biyernes, Oct. 29.

Sa pinakabagong data ng PNP ay nasa 36 ang bahay, 16 ang residential buildings, apat ang kalye, at lima ang subdivisions na naka granular lockdown.

Ang mga ipinatupad na granular lockdown ay nasa kapangyarihan ng local government units (LGUs), ayon sa PNP.

Nagpakalat naman ang PNP ng 236 personnel at 202 force multipliers para masiguro ang seguridad sa mga lugar.

Ang Metro manila ay ibinaba sa Alert Level 3 simula October 16 hanggang 31.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kasong naitatala, nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na mataas ang posibilidad na ibaba ang NCR sa alert level 2 satus.

Pero kanina, pinalawig pa ang alert level 3 sa NCR hanggang Nov. 14.

(Toni Tambong)

 

 

The post Granular lockdown areas sa NCR, 61 na lang ayon sa PNP appeared first on News Patrol.



Granular lockdown areas sa NCR, 61 na lang ayon sa PNP
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments