(File photo courtesy: File PNA)
Lilimitahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng harapang pangangampanya sa Halalan 2022.
“The most prominent feature I see is that we would be regulating the number of people who can participate in in-person campaigns,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Dagdag pa ng Comelec na ibabase ang bilang ng indibidwal sa quarantine status ng isang lugar.
“It’s likely going to be determined in large part by the alert level in a particular place,” ayon pa kay Jimenez.
“We are going to systematize that so that we have rules to apply all over the country that will define how many people can be in an in-person campaigning entourage at any given place,” paliwanag pa ni Jimenez.
Sa ngayon, binabalangkas pa ng Comelec ang guidelines para sa pangangampanya sa 2022 elections.
Ang mga kandidato sa national elections ay may 90 araw na mangampanya mula February 8 hanggang May 7, 2022.
Nasa 45 araw naman na pangangampanya ang ibibigay sa mga kakandidato sa local elections mula March 25 hanggang May 7, 2022.
(Toni Tambong)
The post Face to face campaign sa 2022 elections lilimitahan ng Comelec appeared first on News Patrol.
Face to face campaign sa 2022 elections lilimitahan ng Comelec
Source: Trending Filipino News
0 Comments