(Photo: Dindo Bacolod)
Ikinagulat ng marami ang biglaang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon, October 2 na magreretiro na siya sa pulitika.
“In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago, I now say sa mga kababayan ko, sundin ko ang gusto ninyo and today I announce my retirement from politics,” ayon sa anunsyo ng Pangulo.
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagre-retiro nang magsalita sa Comelec ilang minuto matapos mag-file ng Certificate of Candidacy sa pagka-Vice President si Senator Christopher “Bong” Go.
Inendorso naman ni Duterte si Go.
“First of all, I’d like to wish Senator Bong Go all the best and good luck in his quest for the vice presidency,” ayon pa sa Pangulo.
Magkasamang dumating sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa Comelec.
Inaasahan ng lahat na magpa-file si Pangulong Duterte ng COC sa pagka-vice president pero hindi ito nangyari.
Matatandaang inihalal ng PDP-Laban si Duterte sa VP bid na tinanggap naman ng Pangulo.
Sabi niya, gusto niyang tumakbo para maituloy ang kanyang mga nasimulan.
Habang si Go ay pinatatakbong Pangulo ng ruling party, ngunit paulit-ulit na sinabing hindi siya interesado tumakbo sa pagkapangulo.
Pero ngayong hapon, si Senador Bong Go ang tatakbong Vice-president habang magre-retiro na si Pangulong Duterte.
“Wala pong iwanan sa laban na ito, unahin ang kapakanan ng mga Pilipino at hinding hindi ka magkakamali, sabi naman ni Go na siyang payo umano ni President Duterte sa kanya.
(Toni Tambong)
(Photo caption: Si Senator Bong Go habang nagbibigay ng maikling speech matapos mag- file ng COC sa Comelec. Nasa likuran naman niya si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-anunsyo rin ng retirement sa pulitika.)

The post Pang. Duterte, inanunsyo ang pagretiro sa pulitika; Sen. Bong Go, tatakbong VP appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments