Pumanaw na si dating Quezon City Mayor Adelina Rodriguez.
Si Mayor Adelina Santos-Rodriguez ay ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Quezon City.
Siya rin ang pang-anim na Mayor ng lungsod na nanungkulan mula noong 1976 hanggang 1986.
Sa kanyang sampung taong panunungkulan, inuna ni Rodriguez ang healthcare kaya’t nagpatayo ng mga health center sa syudad.
Tinutukan din niya ang culture, arts at ang turismo.
Bilang pagpupugay as dating Pangulo ng Pilipinas, iniutos niya ang pagpapatayo ng monumento ni dating Manuel L. Quezon.
Nagtatag rin si Rodriguez ng economic development council para ma-engganyo ang maraming negosyo, trabaho at kabuhayan sa syudad.
Noong 2016, kinilala si Rodriguez bilang Tandang Sora awardee dahil na rin sa kanyang matatag na paninidigan na taglay ng isang tunay na Pilipinang robolusyonaryo.
The post Dating QC Mayor Adelina Rodriguez, pumanaw na appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments