P354K marijuana, nakumpiska sa loob ng speaker; isa arestado

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng marijuana na tumitimbang ng 2.95 kilos sa Tondo, Manila.

Ang nasabing marijuana ay may estimated street value na P354,000.00.

Kinilala ng Manila Police District MPD-PS) 2 ang  suspek na si Judem Aleck Padilla, 27, binata at residente ng  358 C.M Recto Street Brgy 14, Tondo Manila.

Naaresto ang suspek sa kahabaan ng Asuncion St. kanto ng Recto Street nang magsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Asuncion PCP.

Wala umano itong suot na facemask kaya sinita at kinapkapan.

Ininspeksyon din ang mga bitbit niyang anim na kahon kung saan natagpuan ang marijuana sa loob ng speaker.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang supplier ng suspek ng marijuana.

(Jocelyn Domenden)

 

The post P354K marijuana, nakumpiska sa loob ng speaker; isa arestado appeared first on News Patrol.



P354K marijuana, nakumpiska sa loob ng speaker; isa arestado
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments