Imbestigasyon ng Ombudsman sa Pharmally pandemic supplies deal, suportado ni Pangulong Duterte

Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng mga doktor na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Ombudsman kaugnay sa kontrobersiyal na multibillion-peso deal sa pagitan ng pamahalaan at Pharmally Pharmaceutical Corp.

Nauna nang naghayag ang Philippine College of Physicians (PCP) sa Ombudsman na sampahan ng kaso ang lahat ng responsable sa umano’y katiwalian sa pinasok na kontrata ng gobyerno sa Pharmally para sa pandemic supplies.

“We welcome the call of the Philippine College of Physicians that this matter should immediately be given to our courts and the Ombudsman… We all know that the Senate cannot prosecute. Mabuti pa ang mga doktor, alam at naintindihan nila. Filing cases is the right way to go,” sabi pa ng Pangulo.

Banat sa Senado

Muli namang binanatan ng Pangulo ang Senado at sinabing itigil na ang imbestigasyon na “in aid of election.”

“Problema kasi sa Senate natin, trying hard maghanap ng mga issue na may nangungurakot o kaya may nagkakapera but up to now the committee has not really built a case out of the numerous hearings they have conducted,” giit pa ni Duterte.

Sa huli, idiniin ng Pangulo na walang overpricing na naganap sa mga biniling medical supplies ng gobyerno, at ‘consistent’ sila sa pagsunod sa Republic Act (RA) 9184 o Government Procurement Reform Act at RA 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act.

Samantala, lumabas sa inisyal na report ng Senate Blue Ribbon Committee na mayroong “grand conspiracy” na naganap para mabigyan umano ng bilyong pisong kontrata ang isang maliit na kumpanyang tulad ng Pharmally.

(Toni Tambong)

The post Imbestigasyon ng Ombudsman sa Pharmally pandemic supplies deal, suportado ni Pangulong Duterte appeared first on News Patrol.



Imbestigasyon ng Ombudsman sa Pharmally pandemic supplies deal, suportado ni Pangulong Duterte
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments