(Photo credit: Syria TV Telegram Channel)
Hindi bababa sa labintatlong (13) sundalo ang namatay sa isang bomb attack sa may central Damascus sa Syria kaninang umaga, Oct. 20.
Ayon sa ulat ng Syrian state TV, patawid sa tulay sa central Damascus ang bus lulan ang mga military personnel nang maganap ang pag-atake.
Dalawang explosive devices ang diumano’y pinasabog sa loob ng bus.
May ikatlo pang pampasabog pero na-defuse ito ng army engineering unit.
Ayon sa Syrian authorities, ang pagpapasabog ay isang “terrorist” attack.
Nitong taon, ilang pag-atake na rin ang ginawa sa mga army vehicle ng Syria ng hinihinalang mga Islamic State militant na nag-ooperate pa rin sa mga disyerto ng bansa.
(NP)
The post 13 patay sa pag-atake sa isang army vehicle sa Damascus, Syria appeared first on News Patrol.
13 patay sa pag-atake sa isang army vehicle sa Damascus, Syria
Source: Trending Filipino News
0 Comments