Facebook, planong magpalit ng pangalan ayon sa ulat ng The Verge

Plano ng social media giant na Facebook Inc na i-rebrand ang sarili nito sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan.

Ayon pa sa ulat ng The Verge, gagawin ito ng Facebook para mapalakas at makapag-focus sa metaverse ang kumpanya.

Ayon pa sa report, balak umanong ianunsyo ni Facebook Chief Executive Officer Mark Zuckerberg ang planong pagpapalit ng pangalan sa annual Connect conference nito sa October 28, pero posibleng mas mapaaga pa.

Ang metaverse ay ang shared virtual world environments, kung saan pwedeng maka-access ang mga tao sa pamamagitan ng internet.

Ang metaverse ay isang uri ng digital space na mas mukhang totoo sa pamamagitan ng virtual reality o augmented reality.

Ang planong rebranding ay maaring magposisyon sa social media app ng Facebook bilang isa lamang sa mga produkto sa ilalim ng isang parent company.

Ito ang posibleng mag-oversee sa iba pang app gaya  ng Instagram, WhatsApp, Oculus at iba pa, dagdag pa ng report.

Lumabas ang balita tungkol sa pagpapalit ng pangalan at rebranding ng Facebook sa gitna ng mas mahigpit na pagmamanman ng gobyerno ng Amerika sa business practices ng social media giant.

Hindi naman nagkomento ang Facebook sa ulat na pagpapalit ng pangalan.

 

(NP)

The post Facebook, planong magpalit ng pangalan ayon sa ulat ng The Verge appeared first on News Patrol.



Facebook, planong magpalit ng pangalan ayon sa ulat ng The Verge
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments