(File Photo)
Nasa ‘moderate risk’ na ang COVID-19 sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research Group ngayong Lunes, October 4.
Naabot na kasi ng Metro Manila ang 0.81 na reproduction rate ng COVID-19 na tumutukoy sa antas naman ng nahahawaan kada isang kaso.
“Reproduction number 0.81 and ADAR below 25 means NCR now at “moderate risk” based on Covidactnow,” sabi pa ni OCTA Fellow Dr. Guido David.
Pagdating naman sa 7-day average ng new cases ng COVID-19 sa NCR, bumaba rin ito ng 28% na nasa 3,120 na lamang, ayon pa sa datos ng OCTA.
Bukod sa bumababang reproduction number, nakapagtala rin ang OCTA ng pagbaba ng positivity rate sa NCR na nasa 16% sa nakaraang pitong araw.
“Using our metrics, the following LGUs are now considered moderate risk: Malabon, Manila, Navotas, Pasay, Parañaque, Valenzuela, Taguig, and Mandaluyong, while the rest of the LGUs remained at high risk, mainly because healthcare utilization remained high in those area,” dagdag pa ng OCTA.
Kahapin, October 3, nakapagtala ang bansa ng kabuuang 13,273 na karagdagang kaso ng Covid-19. Umakyat naman sa 2,593,399 ang kabuuang kaso ng nagkakasakit sa bansa dahil sa Corconavirus.
(Toni Tambong)
The post OCTA: NCR nasa ‘moderate risk’ na sa COVID-19 appeared first on News Patrol.
OCTA: NCR nasa ‘moderate risk’ na sa COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments