Isko Moreno at Willie Ong, naghain na ng kandidatura sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo

(Photo: Comelec FB)

Nakapaghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ngayong Lunes, October 4.

Bago magpunta sa Harbour Garden Tent sa Sofitel, Pasay City ay dumaan muna si Domagoso sa Tondo Church upang ipagdasal ang kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas .

Kasama ni Domagoso na naghain ng COC ang kanyang vice presidential running mate na si Dr. Willie Ong sa ilalim ng partido Aksyon Demokratiko.

“Ako ay magiging kaisa ninyo upang pigilan na ang pagkahati-hati ng buong mamamayan,” ayon kay Domagoso.

Sinabi naman ni Ong na magkasama sila ni  Domagoso sa paghilom ng bansa at isantabi ang away-pulitika.

Kapansin-pansin naman ang mga taga-suporta ni Domagoso sa labas ng Sofitel tent na may mga bitbit pang banner na ‘Isko Moreno for President’.

Samantala, naghain na rin kahapon si Samira Gutoc ng COC para sa pagkandidato bilang senador sa ilalim ng partido ni Moreno. Si Gutoc ay kilalang Marawi civic leader.

Kabilang naman ang Gabriela partylist na naghain na ng certificate of nomination and acceptance (CONA) kanina.

(Jocelyn Domenden)

 

The post Isko Moreno at Willie Ong, naghain na ng kandidatura sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo appeared first on News Patrol.



Isko Moreno at Willie Ong, naghain na ng kandidatura sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments