Bakit umatras si Pangulong Duterte sa VP nomination, ayon sa opisyal ng PDP-Laban

Pumutok na balita nitong weekend ang pag-anunsyo ni Pangulong Duterte na magreretiro na siya sa pulitika.

Sa halip na ituloy ni Duterte ang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022 elections sa ilalim ng PDP-Laban, nagulat ang publiko nitong Sabado, October 2, nang  si Senator Christopher Bong Go ang maghain ng certificate of candidacy bilang vice presidential candidate ng partido.

Matatandaang tinanggap ni Duterte ang nominasyon ng partido noong Sept. 23, habang tumanggi naman si Go na maging standard bearer ng PDP-Laban.

Bakit umatras ang pangulo?

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, lider ng Cusi faction ng PDP-Laban, binitawan ng pangulo ang vice presidential nomination dahil umano sa survey ng Social Weather Stations (SWS), giit niya sa ANC Headstart with Karen Davila.

“When there was that survey saying 61 percent of Filipinos questioned the constitutionality of President Duterte running for vice president, President Duterte found it wise and prudent for him not to run para hindi na po magkagulo-gulo, magkaroon ng debate,” pahayag ni Cusi.

Kasabay ring inanunsyo ng pangulo ang pagreretiro sa pulitika, bagay na kaniya ring sinabi noong 2015.

Dagdag pa ni Duterte na ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang tatakbo bilang presidente na ka-tandem si Go.

Secret agenda?

Samantala, sinabi ni Senator Koko Pimentel na patuloy umanong isinusulong ng Cusi faction ang kanilang secret agenda.

Ito ang naging pahayag ng senador sa pamamagitan ng text message nang hingan ng reaksyon ng mga mamamahayag.

Hirit ni Pimentel, may secret agenda umano ang Cusi faction dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila inilalantad ang kanilang presidential candidate para sa 2022 elections.

Bagamat naghain na si Mayor Sara ng certificate of candidacy para sa muling pagtakbo sa pagka-mayor ng Davao City, mayroon pang hanggang November 15 para sa substitution ng mga kandidato.

(with report from Estrella Bueno)

 

The post Bakit umatras si Pangulong Duterte sa VP nomination, ayon sa opisyal ng PDP-Laban appeared first on News Patrol.



Bakit umatras si Pangulong Duterte sa VP nomination, ayon sa opisyal ng PDP-Laban
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments