Comelec: Tatakbong independent candidates, hindi sakop ng substitution

Nilinaw ng Commission on Elections, Comelec, na maaring magpa-substitute  ng kandidato  sa ilalim ng political party lamang o kapartido.

Pero ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kapag ang isang kandidato ay tumakbong Independent, wala siyang karapatan sa substitution.

Giit pa ni Jimenez, hanggang Nov. 15 lamang ang filing ng COC para sa substitution at sa nasabing petsa din ang deadline ng withdrawal.

Pagkatapos aniya ng Nov. 15 posible pa rin ang substitution pero may pagbabago sa patakaran mula sa voluntary withdrawals.

Paliwanag ni Jimenez, puwede ang voluntary withdrawal  pero mayroon dapat statement of withdrawal ang isang kandidato.

Papayagan naman ang substitution pagkatapos ng Nov. 15  hanggang hating gabi ng election day  sa involuntary withdrawal  o kapag namatay o nadiskuwalipika ang isang kandidato.

Pero paglilinaw pa rin ni Jimenez, kailangan ay kaapelyido ang papalit na kandidato upang hindi magdulot ng kalituhan sa pangalan na nasa  balota na.

(Jocelyn Domenden)

 

The post Comelec: Tatakbong independent candidates, hindi sakop ng substitution appeared first on News Patrol.



Comelec: Tatakbong independent candidates, hindi sakop ng substitution
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments