ALAMIN: Pilot hospitals para sa pagbabakuna sa mga edad 12-17

(Photo courtesy: National Children’s Hospital FB)

Tinukoy na ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na magsasagawa ng pilot vaccination sa mga edad 12 hanggang 17 laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kabilang dito ang National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, at Philippine General Hospital.

Uunahin na mabakunahan ang mga batang may comorbidity na sisimulan sa October 15.

“Kapag okay na tayo in the next 2 or 3 weeks, pwede na natin i-expand sa mga regular site,” pahayag ni Cabotaje.

“Binabantayan sa mga bata ay allergy, kasi nga iyong mRNA vaccine, isang tinitingnan diyan ay iyong ating tinatawag na myocarditis, pericarditis, may mga infection sa puso o kaya iyong aberya sa heart. Titingnan kung paano matutugunan,” paliwanag pa ni Cabotaje.

Sa ngayon, ang bakuna pa lang ng Pfizer-BioNTech ang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) para sa edad 12 hanggang 17.

Magsusumite pa lang ng aplikasyon sa EUA ang Moderna.

Pre-registration sa LGUs

Ilang local government units ang nagsimula na ng kanilang online pre-registration para sa mga edad 12-17 anyos o pediatric group.

Kabilang sa mga ito ang Manila, Makati, Taguig, Pateros at Caloocan.

Ang Quezon City ay nakikipag-ugnayan naman sa mga eskwelahan para sa  listahan ng mga mag-aaral at sa mga barangay para naman sa listahan ng  out-of-school youths, home schooling at mga kabataang nag-aaral sa labas ng lungsod.

(Toni Tambong)

The post ALAMIN: Pilot hospitals para sa pagbabakuna sa mga edad 12-17 appeared first on News Patrol.



ALAMIN: Pilot hospitals para sa pagbabakuna sa mga edad 12-17
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments