Matapos maantala ng mahigit sa apat na oras, inilabas na rin ng Department of Health (DOH) ngayong 8:30 ng gabi ang Covid-19 Daily case bulletin.

Ayon sa  Department of Health, nakapagtala ito ng 13,273 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Kaya naman umakyat na sa 2,593,399 ang kabuuang laso sa bansa.

Mas mababa ng mahigit 1,500 ang kaso ngayong araw kumpara kahapon.

Mayroon namang naitalang 45,249 na gumaling at 112 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (112,008) ang aktibong kaso, 94.2% (2,442,623) na ang gumaling, at 1.49% (38,768) ang namatay.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas nitong Linggo ng gabi, sinabi ng DOH na mayroong 20.2 percent ang nagpositibo mula sa 64,747 na na-test.

Sinisiguro naman ng DOH na sila ay nakikipag-coordinate sa DICT para maresolba ang isyu sa COVIDKaya.

Magbibigay naman ulit ng public advisories sakaling magkaroon ng delays sa paglalabas ng case bulletin sa mga darating na araw.

The post 13,273 nagpositibo sa COVID-19, naitala ngayong araw, Oct. 3 appeared first on News Patrol.



13,273 nagpositibo sa COVID-19, naitala ngayong araw, Oct. 3
Source: Trending Filipino News