NCR, lagpas na sa target ng mga bakunado

Umabot na sa 75.54% ng target population ng National Capital Region (NCR) ang kumpletong bakunado na laban sa COVID-19, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos.

Dagdag pa ni Abalos, inaasahan nilang tataas pa ito sa 84% hanggang sa susunod na buwan.

“Ngayon, 75.54% na tayo. In one month, ang projection namin ay aabot siguro tayo ng mga 84% dahil iyong mga naka-first dose ay magse-second dose.”

Sa December 2 naman, tinataya namang nasa 92% na ng target.

Samantala, kung sa NCR ay lagpas na sa target ang nabakunahan, aminado naman ang gobyerno na hindi kayang abutin ang target na 77 milyong Pinoy ngayong 2021.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., 50% lang ng target ang makakamit.

“Kapag tumaas ang vaccination, ang target ay magkaroon ng 600,000 to 800,000 per day so baka maabot natin ang 50 percent. Based sa computations namin, more or less ang achievable is ‘yong 50 percent,” dagdag pa ni Galvez.

Base sa datos noong October 3, natanggap na ng Pilipinas ang 77.4 milyong dose habang 46.3 milyong dose naman na ang naiturok sa buong bansa.

“Right now, we are going to different regions to expand the capacities of local government units in their vaccination program.”

Samantala, pinaghahanda na rin ngayon ang NCR sa pagbabakuna sa mga menor de edad na target masimulan sa October 15.

(Toni Tambong)

 

The post NCR, lagpas na sa target ng mga bakunado appeared first on News Patrol.



NCR, lagpas na sa target ng mga bakunado
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments