Patuloy na bumababa ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa sa ikaapat na magkakasunod na araw.
Ngayong October 4, naitala ng Department of Health ang 10,748 na panibagong kaso ng COVID-19.
Umakyat naman sa 2,604,040 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Samantala, mababa naman ang naitalang kaso ng Delta variant ngayon.
Kumpara noong mga nakaraang araw, ay mayroong 21 na kaso ng Delta variant ang naitala ng DOH.
Ang datos na ito ay mula pa noong April hanggang June ng kasalukuyang taon.
Pero kahit na bumaba ang bilang ng mga kaso ay mapapansin na mataas pa rin ang healthcare utilization rate sa bansa.
Ibig sabhin, hindi pa rin dapat makampante at dapat patuloy na sumunod sa minimum public health standards.
Mahalaga rin na magpabakuna.
Sinabi naman ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mababang bilang ng kaso ng Delta infections ay dahil sa hindi pa naman tuluyang kumakalat ang virus noong mga nakaraang buwan kung kailan isinagawa ang testing.

The post 10,748 karagdagang kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw; bilang ng mga kaso, bumaba appeared first on News Patrol.
10,748 karagdagang kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw; bilang ng mga kaso, bumaba
Source: Trending Filipino News
0 Comments