Bigtime ang karagdagang singil sa presyo ng mga produktong petrolyo na sasalubong sa mga motorista bukas, Martes, Oct 5.
Magkakaroon ng dagdag na P1.45 kada litro ang presyo ng Gasolina.
Sa Diesel meron karagdagang P2.05 kada litro.
Ang Kerosene ay may dagdag-singil din na P2.05 kada litro.
Ang Caltex ay magpapatupad ng bagong presyo mamayang 12:01 ng hating gabi.
Ang mga kumpanyang PTT Philippines, Seaoil, Pilipinas Shell, PetroGazz, Petron, Flying V at Phoenix Petroleum Philippines ay magpapatupad ng dagdag-singil bukas ng 6:00 ng umaga.
Ang Unioil ay 6:01 naman ng umaga ipatutupad ang dagdag-singil.
Magpapatupad naman ang Cleanfuel bandang 4:01 ng hapon.
Ito na ang ika-anim na linggo mula August 31 hanggang October 5 na may dag presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinasabing mga dahilan na tinamaan ng hurricane ang oil refineries sa Amerika, ang kakulangan ng supply at pagbaba ng piso vs dolyar.

The post Dagdag-singil na naman sa presyo ng produktong petrolyo appeared first on News Patrol.
Dagdag-singil na naman sa presyo ng produktong petrolyo
Source: Trending Filipino News
0 Comments