Isang milyong pisong grand prize ang naghihintay para sa masuwerteng bakunado.
Iyan ang bagong pakulo ng Department of Health (DOH) para hikayatin ang mga mamamayan na magpabakuna.
October 4 inilunsad ng DOH sa kanilang Facebook page ang “Resbakuna Bakunado Panalo” program.
Pipili ang DOH mula sa raffle entries ng 50 mananalo ng P5,000 sa monthly draw mula Oktubre hanggang Nobyembre.
Sa grand draw ay tatlo ang mananalo. P1,000,000 para sa grand prize, P500,000 sa 2nd prize, habang P100,000 sa 3rd prize, sabi pa ng DOH.
Magtungo sa DOH Facebook page para sa detalye ng pagrehistro at pagsali sa programa sa pamamagitan ng text message.
Ang mga indibidwal na nakatanggap pa lang ng unang dose ay magkakaroon ng isang raffle entry, at dalawang entries naman kapag kumpletong bakunado na.
Sa mga nakatanggap naman ng single-shot COVID-19 vaccine, magkakaroon sila ng automatic na tatlong raffle entries.
Para naman sa mga senior citizen na nakatanggap ng unang turok, sila ay makakukuha ng dalawang raffle entries, habang ang kumpletong bakunado ay magkakaroon ng anim na raffle entries.
(Toni Tambong)
The post DOH, mamimigay ng hanggang P3M papremyo sa mga masuwerteng bakunado appeared first on News Patrol.
DOH, mamimigay ng hanggang P3M papremyo sa mga masuwerteng bakunado
Source: Trending Filipino News
0 Comments