Bumaba ang inflation rate ng bansa sa 4.8% ngayon September mula sa 4.9% noong August, ayon sa Philippine Statistics Authority, Martes, October 5.
Ayon kay PSA Usec Dennis Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation rate ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng mga commodity group at transport na may 4.0%.
Kabilang din ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 5.4% inflation.
Ang Restaurant at Miscellaneous Goods and Services ay mayroon naman 3.8% inflation.
Pasok naman ito sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.8-5.6% range.

(Photo courtesy: Screengrab PSA presscon, Oct. 5, 2021)
Sa kabila ng mataas na presyo ng pandaigdigang krudo at pagbaba ng piso na dahilan ng inflation, inaasahan naman ng Bangko Sentral na mapanatiling mababa ang interest rates hanggang 2022 para masuportahan ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
(Toni Tambong)
The post September inflation rate, bumaba sa 4.8% appeared first on News Patrol.
September inflation rate, bumaba sa 4.8%
Source: Trending Filipino News
0 Comments