‘Mix & match’ sa COVID-19 vaccine booster shots, aprubado na ng US FDA

Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration (USFDA) ang “mix and match” strategy sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine booster shot sa Amerika.

Ito ay matapos makita ng US FDA ang mga potensyal na benepisyo sa paggamit ng ibang brand ng bakuna sa mga taong nakakumpleto na ng COVID vaccine.

“The FDA has determined that the known and potential benefits of the use of a single heterologous booster dose outweigh the known and potential risks of their use in eligible populations,” ayon sa pahayag ng FDA.

Ayon sa US FDA, alinman sa Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson vaccines ay pwedeng gamitin bilang booster shot kahit ibang brand ang itinurok sa primary vaccination.

Base sa desisyon, ang mga una nang naturukan ng Moderna vaccine na nasa edad 65 pataas, iyong mga 18 anyos pataas na high risk sa COVID o kaya ay may mataas na occupational exposure, ay maaari nang tumanggap ng booster shots.

Lahat naman ng American adult na naturukan ng Johnson & Johnson vaccine nitong nakalipas na dalawang buwan ay pwede na ring bigyan ng booster shot.

(NP)

The post ‘Mix & match’ sa COVID-19 vaccine booster shots, aprubado na ng US FDA appeared first on News Patrol.



‘Mix & match’ sa COVID-19 vaccine booster shots, aprubado na ng US FDA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments