Pinag-aaralan na sa Pilipinas ang posibilidad ng paggamit ng medicinal plant “sinta” (Andrographis paniculata) laban sa COVID-19, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Ayon ito kay DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime C. Montoya.
“Napakaraming halamang gamot na maaaring gamitin sa COVID. May isa na po kaming tinitingnan kasi ito po naman ay nakita rin sa ibang bansa, sinta ang pangalan,” aniya sa interbyu sa dzBB.
Ang sinta, na kilala ring “Hempedu Bumi” sa Malaysia at “Bhumi-neem” sa India, ay may mapait na lasa dahilan para tawagin itong “the king of bitters.”
Sa India, pinanggagamot ang halamang ito laban sa ubo, diarrhea, indigestion, bronchitis, fever, inflammation at skin diseases, habang sa Tsina ginagamit ang halaman panlunas sa colitis (inflammatory disease of the colon), cough, dysentery, fever, influenza, at sore throat.
(Toni Tambong)
The post Halamang ‘sinta’ pinag-aaralang gamot laban sa COVID-19 ng DOST appeared first on News Patrol.
Halamang ‘sinta’ pinag-aaralang gamot laban sa COVID-19 ng DOST
Source: Trending Filipino News
0 Comments