Paunang 2k doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng Brunei, dumating sa bansa

(Photo Courtesy: Screengrab from PTV FB)

Natanggap na ng Pilipinas ang 2,000 doses ng AstraZeneca coronavirus disease (COVID-19) vaccine na donasyon ng Brunei kahapon, Miyerkules, October 20.

Sinalubong nina National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa at Brunei Ambassador Johariah Wahab, kasama ng mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs at Health department ang mga nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal.

Sinabi ni Herbosa na ang mga bakuna ay paunang donasyon pa lamang mula sa Brunei.

Ang unang 2,000 doses ay kabilang sa 20,000 doses ng kabuuang donasyon ng bansang Brunei.

“Now we have 92.5 million doses delivered to the Philippines. We now have about 52 million [doses] that have been deployed, 32% are already fully vaccinated of our population. That is about 24 million Filipinos,” dagdag pa ni Herbosa.

Ayon pa kay Herbosa, ang mga donasyong AstraZeneca vaccines ay ilalaan sa pagbabakuna ng general population.

Nagpasalamat naman ang pamahalaan sa Brunei para sa donasyong bakuna. Matatandaang hindi ito ang unang beses na tumulong ang Brunei sa Pilipinas pagdating sa Covid-19 response.

Noong isang taon ay nagbigay din sila ng Covid-19 test kits sa Pilipinas.

(Toni Tambong)

The post Paunang 2k doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng Brunei, dumating sa bansa appeared first on News Patrol.



Paunang 2k doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng Brunei, dumating sa bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments