Mga transaksyon sa One Hospital Command Center, bumaba

Bumababa na ang mga transaksyon o natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center ng Department of Health.

Isa sa posibleng dahilan umano nito ay ang pagbaba ng mga kaso ayon sa DOH.

Katunayan, ang One Hospital Command Center ay  mayroon na lamang  average na 284 transactions kada araw .

Ayon kay  Health Secretary Francisco Duque, ito ay senyales na nang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 lalo na sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Duque na ang pinakamataas na bilang ng transaksyon ay naobserbahan  lamang noong August 31 na may 547; September, 367 .

Pero makikita rin na noong October 6 ay nasa 208 transaksyon na lamang ang natanggap ng One Hospital Command.

Dagdag pa ni Duque, nakikita na nila ang pagbaba ng mga kasong naitatala.

Mas mababa na umano ng 25% ang naitalang kaso ngayong linggo kumpara noong nakaraang linggo.

Maging ang positivity rate ng mga kaso ay bumaba na rin, samantalang ang positivity rate ng lahat ng tests  ay nasa 18%.

Ayon sa kalihim, umabot sa hanggang 27% ang positivity rate na ngayon ay bumaba na sa sa 18 percent na lamang.

“Positivity rate ng atin pong mga kaso ay bumaba na rin po to 18% of all cases or all tests ang positivity rate ay nasa 18%. Nanggaling po ito sa mataas umabot hanggang 27%. So again . . . ito po ay senyal na talagang nag-umpisa na po ang pagbaba ng atin pong mga kaso,” sabi pa ni Duque.

Nauna nang sinabi ng DOH na ang pagbaba ng kaso ay “artificial” lamang dahil sa ilang mga factor tulad ng pagbaba ng kapasidad ng mga testing laboratory nitong mga nakaraang araw.

Maging ang ilang ospital ay lumuluwag na rin at hindi na nangangailangan pa ng dagdag na health workers.

Inilunsad noong nakaraang taon ng DOH, kasama ang IATF at mga local government unit, ang One Hospital Command para mas maging maayos ang pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong kaugnay sa dinaranas na pandemiya dulot ng COVID-19.

(Jocelyn Domenden)

The post Mga transaksyon sa One Hospital Command Center, bumaba appeared first on News Patrol.



Mga transaksyon sa One Hospital Command Center, bumaba
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments