Mamamahayag na si Maria Ressa, pinangalanang 2021 Nobel Peace Prize winner

(Photo: Nobel Prize FB)

Pinangalanang 2021 Nobel Peace Prize winner ang Pilipinong mamamahayag na si Maria Ressa.

Ayon sa Nobel Prize, kinikilala ang pagtataguyod ni Ressa ng kalayaan sa pamamahayag na kritikal para sa demokrasya at kapayapaan.

Dagdag pa ng parangal, ginagamit ni Ressa ang pamamahayag upang isiwalat ang pang-aabuso sa kapangyarihan at paggamit ng karahasan.

Si Ressa ay CEO at co-founder ng digital media company na Rappler simula pa noong 2012.

Naging malawak ang investigative reports ng Rappler kaugnay sa madugong drug war ng administrasyong Duterte.

Kinilala rin ng Nobel Prize ang pag-uulat ng Rappler kaugnay sa paggamit ng social media upang diumano’y magpakalat ng fake news, manggipit ng mga kalaban sa pulitika, at maniobrahin ang opinyon ng publiko.

Nanalo rin ng Nobel Peace Prize ang Russian investigative journalist na si Dmitry Andreyevich Muratov, founder at editor-in-chief ng independent newspaper na Novaja Gazeta.

(NP)

The post Mamamahayag na si Maria Ressa, pinangalanang 2021 Nobel Peace Prize winner appeared first on News Patrol.



Mamamahayag na si Maria Ressa, pinangalanang 2021 Nobel Peace Prize winner
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments