10,670 na kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw; bilang ng nagkasakit bahagyang tumaas

Muling tumataas ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Sa tatlong magkakasunod na araw ay makikita ang unti-unting pagtaas ng mga kaso na nagkakasakit dahil sa virus.

Ngayong araw, October 8, nakapagtala ang Department of Health ng 10,670 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dyan, umakyat na sa 2,643,494 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 7,691 na gumaling at 191 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5%  o 118,203 ang aktibong kaso, 94.0% naman  o 2,486,059 na ang gumaling, at 1.48% o 39,232 ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 6, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa “end game”  o hindi  pa patapos ang banta ng Delta variant ng Covid-19 sa bansa.

Masasabi lamang umano ito kapag naputol na ang hawahan o nako-kontrol na ang pagkalat ng virus na sanhi ng Covod-19.
Malinaw pa kasi aniya na 9 mula sa 10 na nagpo-positibo sa COVID-19 ay  dahil sa Delta variant.
Sa ngayon aniya ang nakikita  na ang pagbagal ng mga kaso sa Metro Manila at ilang lalawigan.
Kasama na rito ang pagbaba ng bilang ng mga nasa ospital dahil sa Covid 19.
(with reports from Jocelyn Domenden)

The post 10,670 na kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw; bilang ng nagkasakit bahagyang tumaas appeared first on News Patrol.



10,670 na kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw; bilang ng nagkasakit bahagyang tumaas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments